Sunday, April 13, 2008

iPod Nano

When and how in the world can I get this? Tell me, please....

Sunday, April 06, 2008

Fossil Watch


Got my advanced birthday gift yesterday from my parents. It's a Fossil watch! :) Not the same model as the one in my Christmas Wishlist but it's equally beautiful and stunning :D Thanks, nanay and tatay!


Saturday, April 05, 2008

Blind Item

Sino itong Manager ng isang kumpanya na ganun na lang kung makapagbitiw ng mga hindi magagandang kumento patungkol sa kumpanyang nililipatan ng kanyang mga "tao" subalit maging sya pala ay sinubukang mag-apply dito? Napag-alaman na ang Manager na ito ay sumailalim sa isang job interview sa isang malaking IT company na pinaglilipatan ng kanyang mga tauhan. Ito ay matapos nyang sira-siraan at lait-laitin ang kumpanyang ito sa harap ng mga nag-aalisang empleyado.

Puerto Galera 2008

Birthday celebration ni Giles yun e. Nasa Palanca kami (Omar, Giles, Jule, Frankie, Arianne at ako) ng maisipang mag-plano ng Team Outing. Unang suggestion was to spend an overnight in a Los BaƱos Resort then biglang naisip ang Puerto Galera. Giles suggested na kung mag-Galera kami, sana 3D/2N para hindi bitin. Few days after, Omar sent out an email to the team for the proposed outing. At matapos ang madugong panghihikayat sa lahat ng team members, 8 lang ang nag-confirm na makakasama.... ang saya di ba? Hehehehe... team outing turns into a barkada outing! Hehehehehe....

Bary, Elogs, Frankie, Giles, J-Ann, Omar, Stev and I composed the Magic 8 that spent 3 days in Puerto Galera last March 28-30.

Day 1
Nagkita-kita ang barkada sa Wendy's Buendia eksakto sa oras na napag-usapan, 5:45am :). Ako ang pinakahuli sa mga dumating, 3 minutes bago masabing late :D Hindi ko na matandaan kung ilang oras kaming nagbyahe, anong oras kami nakarating ng Pier o ng White Beach. Ang alam ko lang, safe kaming nakarating ng Puerto Galera bago mag alas-dose ng tanghali.


Pagdating sa tutuluyan naming bahay, binaba lang namin ang aming mga gamit at namili agad kami nina Elogs at J-Ann ng bigas, tubig, itlog at yelo. Habang ang iba ay naiwan sa bahay para magluto ng pananghalian. Buti na lang nag-grocery sina Stev kahapon at may mailuluto ngayon. Matapos ang nakabubusog na tanghalian, pahinga lang kamin ng konti at sugod na kami sa beach! (sayang ang init ng araw noh!)

Mga Prinsesa ng White Beach :)
(thanks Giles for taking the pics)


Stev, Me and Frankie

underwater shot by Omar with Stev, Elogs and J-Ann

after the 1st round of swimming, we enjoyed some coolers :)

After taking a short break, Frankie led us to the "Brokeback Mountain". 'Wag nyo na po akong tanungin kung bakit ganun ang tawag sa lugar na 'yon. Your guess is as good as mine :D Nasa kaliwang dulo ng White Beach yung bundok. First time kong makapunta dito. Pagdating sa lugar, hala! hindi na ko nangahas pang sumama sa kanilang akyatin ang bundok. Ang tarik kaya... hindi kaya ng powers ko :P Buti na lang nagpaiwan din sina J-Ann at Giles kaya nag-swimming na lang kami habang namumundok yung iba. Pagbaba nila ng bundok, tuloy lang ang swimming. At nakatsamba ako ng isang magandang sunset:



Pag-uwi sa bahay, nagluto agad ang mga boys ng aming dinner: inihaw na tilapia at liempo... yummy! Then, we spent the first gimik night in one of the bars where the waitresses were gays. Nagtaob kami ng 3 pitsel ng mindorosling at pulutang mani. Kakaaliw panoorin yung mga bading habang nagsasayaw... lalo na nung pinatugtog yung Dont' Cha ng PCD.. kalokah!

DAY 2
The day started with a very delicious breakfast: Fettucine Carbonara courtesy of Bary, Elogs and Stev. Then, it's time to swim again!


sayang wala si frankie, he was too busy cooking adobo sa suka



Just before 12 noon, we went back to the room to have lunch. Frankie prepared something new to our taste, adobo sa suka! And in fairness, masarap huh! :) Nakarami ako ng kanin hehehehe.... Afterwards, nagpa-henna kaming mga girls (and Giles) at pagkatapos pinasyal ko sila sa Tamaraw Beach.

Henna ;)



Frankie's Angels
Bitin ang swimming sa Tamaraw Beach kaya lang kailangan na naming umuwi dahil wala pa kaming kakainin para sa hapunan hehehe... Pagdating sa bahay, namalengke si Bary ng pang-ulam at kami naman nina J-Ann at Omar bumili ulit ng tubig, yelo at bigas. Dahil naunahan kami ng paghiram sa ihawan, nagpa-ihaw na lang kami sa labas for 100 pesos. Pagka-kain, nagkatamaran ng lumabas kaya sa kwarto na lang kami nagpalipas ng oras... naglaro ng cards, nag-tarot si Stev, kwentuhan ng mga nakakatakot na istorya at kung anu-ano pa. Bumili na lang kami ng matotoma hehehehe....

sinusulit ang huling gabi sa Galera
DAY 3
Hindi na namin nagawang mag-swimming pa pagkagising, bukod sa late ng nagising, mag-aayos pa kami ng mga gamit pauwi at mamimili ng pasalubong. 2pm ang schedule ng alis ng bangka at 1:30 pa lang nakapila na kami sa ilalim ng sikat ng araw. Kaya habang naghihintay na makasakay ng bangka, piktyur piktyur muna.. :)


pauwi na.... ;(

Isang Pasasalamat.....


At syempre mawawala ba naman ang sarili kong photo shoot... :)







*Special thanks to Omar and Stev for the additional pics