Thursday, August 03, 2006

Hirap Nito... :(

Bakit ba nagbo-blog ang mga tao? Hmmm.. maraming dahilan e, ung iba gustong madagdagan ang mga kaibigan, ung iba, gustong i-record ang mga happenings sa buhay nila, pwede rin na gusto nilang magpakilala sa mundo kung sino silang talaga... marami sa kanila na ang dahilan ay gustong i-express ang sarili: masaya, malungkot, galit, in-love at kung anu-ano pang emosyon.

Ako, kaya ko ginusto na mag-blog ay dahil gusto kong ipahayag ang nararamdaman ko... pero bakit ganun, parang may kung anong pwersang pumipigil sa akin para isulat ang gusto kong isulat.. :( Bakit? Mayroon akong gustong, i-share, pero di ko magawa siguro dahil:

1. nahihiya ako
2. natatakot
3. ayaw kong makasakit (pero handa akong masaktan)
4. hindi ako sigurado sa mga pangayayari ngayon, ang alam ko lang masaya ako pero hindi kumpleto e

I've never been like this before... pero kulang pa eh... di ko alam kung kelan makukumpleto. And when that time comes na pwede ko ng sabihin... swear, you would all be happy for me..:D Sa ngayon, ang tangi ko lang magagawa ay sumunod sa agos ng pagkakataon.... kung saan ako dadalhin.. hindi ko alam.

"...in my reach, I can see there's a life out there for me" ~ Out of Reach by Gabrielle

3 comments:

tabel said...

ano ka ba! isulat mo ang gusto mo kasi blog mo to. meron nga dyan sinusulat nya yung mga paghihiganti nya sa nangaliwang asawa nya. sabi nga sa blog mo eh "This is Me! No More... No Less..." kaya GO GO GO!

candylicious said...

thanks, tabel! kaso di pa ko ready e... hehehe.. hayaan mo, pag handang-handa na ko, ibo-blog ko lahat mula simula... hehehehe.. ewan ko lang kundi maubos ang oras nyo sa work kababasa... hehehehe... thanks! mwah!!!

candylicious said...

thanks, sir! cge po.. subukan ko.. ;))