Wednesday, July 19, 2006

Helping Others

When I was still a kid, my father used to tell me lots of things about life. Sa sobrang dami nila, baka pasko na hindi ko pa tapos isulat dito. :P Anyways, something happened to me yesterday that reminded me one of my father's "mga ginintuang-aral".

During my grade school days, naalala ko, hindi ata lilipas ang isang linggo na walang kumakatok sa pinto ng bahay namin at nanghihingi ng kung anu-ano: donasyon sa patay, damit sa mga nasunugan, dagdag na pondo sa pagpapatayo ng kapilya at marami pang iba. Nung mga panahon na iyon, tatay ko ang taong-bahay at nanay ko ang nagtatrabaho.. (hehehehe... not a typical Filipino family pero ibang kwento naman 'to.. medyo madrama pero kung interesado kayo, willing akong magkwento.. :D). So, tuwing me mga unexpected guests na tulad nito, tatay ko lagi ang humaharap... at kadalasan, nagbibigay sya, piso.. minsan, dalawampiso (abah hindi naman kaliitan ang ganitong halaga nung mid-80's). Pero kung walang-wala talaga.. "sorry po, wala ngayon e.. pang-meryenda na ito ng anak ko."

Isang araw, tinanong ko sya kung bakit sya nagbibigay e kung hindi naman totoo yung mga sinasabi nun. Ang katwiran nya, "Anak, nilapitan ka nila dahil alam nilang matutulungan mo sila. At kung me pagkakataon kang tumulong, 'wag mong palampasin, sayang. Ngayon, kung nagsisinungaling sila at gumagawa lang ng istorya.. hindi na natin problema yun... isipin mo na lang kung totoo na nangangailangan sila, kahit papano nakatulong ka... at kung nagsisinungaling sila... me karma anak... hindi tayo ang nawalan kundi sila sa pagkukunwari nila. Pero kung talagang wala kang maibigay, wag mong pilitin na may maibigay... kung sa talagang wala e." Ang sabi ko naman, "Eh, 'tay, hindi naman tayo mayaman... sayang, dagdag din sa pang-meryenda ung binigay mo." Ang sagot nya, " 'Nak, oo nga at hindi tayo mayaman pero kahit papano me sobra sa kinikita natin, ang sabi ko naman sa 'yo di ba, kung meron magbigay kung wala, e di wala."

At habang lumalaki ako, unti-unti kong naintindihan ang mga pangaral sa 'kin ng aking tatay. Hindi lang sa aspeto ng pagbibigay ng materyal na bagay: pera, damit o pagkain. Ang talagang sumiksik sa kaloob-looban ng utak ko ay: nilapitan ka nila dahil alam nilang matutulungan mo sila. At kung me pagkakataon kang tumulong, 'wag mong palampasin, sayang.

Tama sya, hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng pagkakataon na tumulong sa kapwa nila. Hindi ba, ang sarap ng feeling kapag me natulungan ka? Pero dapat bukal sa loob, hindi ung sapilitan. :D Sa mall, me magtatanong sa 'yo kung saan ang daan papuntang MRT, sa kalye, tutulungan mong tumawid ang isang me katandaang tao, sa trabaho, kapag may hindi naintindihan sa isang process, i-explain mo.

Pero bakit ganun? May mga taong parang mamamatay kapag hiniram mo ang isang minuto ng buhay nila para lang humingi ng tulong? Hindi ka naman magpapabuhat ng mabigat, hindi mo naman sya uutusang bumili ng mais sa tindahan :(. Pero kung makahingi ng tulong, actually (hindi pala humihingi ng tulong), kung makapag-utos parang wala kang trabahong tinatapos. I may sound childish here, pero shock lang talaga ako. Hindi kasi ako yung klase ng tao na agad-agad humihingi ng tulong. Hangga't kaya kong gawin ang isang bagay, gagawin kong mag-isa. Pero hindi kasi lahat ng bagay alam ko eh, may mga pagkakataon na kailangan ko rin ng tulong ng iba. At kapag humingi ako ng tulong, ibig sabihin hindi ko talaga kaya. Hindi ako mang-iistorbo ng kapwa ko para lang magpa-cute o kung anupaman. Nakakasama lang ng loob, dahil during those times na siya ang nangailangan ng tulong, I was there to help. And now that it's my turn to ask for one, he did not even bother to ask the cause of the problem, he just said "ay di ko alam 'yan.. " sabay talikod. Good thing, though, I was able to control my temper, very unlikely of me hehehehe... siguro dahil kami ay professional, I should handle this professionally. I did not expect naman na ma-so-solve nya 'ung problem, pero naman... ano ba naman yung magpakita ng katiting na concern. Sad to say, wala... wala.. wala... akong napala.

Ganun talaga siguro, may mga tao na magaling manghingi, pero di marunong magbigay. Salamat na rin at nangyari 'to, at least next time alam ko na kung pa'no ihandle ang tulad nya. Kung darating ang pagkakataon na kakailanganin nya ulit ang tulong ko... tutulong pa rin ako... why not... 'yun ang tinuro sa 'kin ng tatay ko eh.... Pero, minsan kailangang magbigay ng leksyon e, at dito ako maaasahan.. :D.


"Do all the good you can, by all the means you can, in all the ways you can, in all the places you can, at all times you can, by all the means you can, as long as you can." ~ John Wesley


1 comment:

Anonymous said...

sino kaya 'tong "walang alam" na'to? wala bang clue? =) anyway, stay cool, and more patience.