Tuesday, July 11, 2006

When a Stranger Calls

Anong ang gagawin mo kung sa kalagitnaan ng mahimbing mong pagtulog e makatanggap ka ng isang tawag sa telepono at pagbintangan ng bagay na hindi mo ginawa o ginagawa mula sa isang tao na hind mo naman kilala?

Lunes ng madaling-araw, habang ako'y mapayapang natutulog ay biglang nag-ring ang aking cellphone. Kahit pupungas-pungas pa, nakaramdam ako ng kaba dahil ano pa bang aasahan ko mula sa isang tawag sa alanganing oras ng umaga? Syempre, unang pumasok sa isip ko.. baka emergency ito. Tiningnan ko kung anong pangalan ang nakarehistro pero wala.

Candy: "Hello, sino to?"
Walang sumasagot, ang tanging naririnig ko ay ang ingay mula sa patalastas sa TV.
Candy: "Hello, hello?"
Hinintay kong may sumagot pero wala pa rin. Hanggang may boses akong marining mula sa isang batang lalaki.
Batang lalaki: "Sumagot...sumagot..."
Hinayaan ko lang na makapagsalita ang bata pero biglang naputol ang linya.

Akala ko, isang simpleng "wrong number" case ang nangyari. Tiningnan ko ang orasan, 3:20 ng umaga. Isa at kalahating oras na lang, gigising na ko para pumasok sa opisina. Pesteng tawag yun. Hindi pa man nagtatagal, nag-ring ulit ang cellphone ko. Sa pagkakataong ito, babae na ang nasa kabilang linya.

Candy: "Hello".
Babae: "Bakit nasa 'yo ang cellphone ni Mark?" (galit ang tono)
Candy: "Ano, sinong Mark?"
Babae: "Bakit nasa 'yo ang cellphone ni Mark?"

Agad, mabilis na nakabuo ng hinuha ang aking isip. Maaaring ang babaeng ito ay nagdududa/nagseselos/naniniktik sa kanyang asawa o kasintahan. Kung saan man nya nakuha ang number ko at kung saan man sya kumuha ng lakas ng loob na mag-akusa, wala na kong pakialam. Dahil sa naistorbo ang pagtulog ko dahil sa walang kapararakang bagay, ang tanging magagawa ko lang ay gulantangin ang nasa kabilang linya.

Candy: "P*t*ng*n*a MO!!! wala akong kilalang Mark at hindi rin kita kilala. Punyeta ka! alas-tres y medya ng madaling-araw at nang-iistorbo ka ng natutulog. I-check mong maigi yang number na dinial mo. Sa susunod bago ka mambulahaw, siguraduhin mo muna yang ginagawa mo. Cellphone ko ang hawak ko at hindi ito galing sa Mark na sinasabi mo. Naiintindihan mo? Gago! Leche!

Hindi ko na sya hinintay na makasagot pa at pinatay ko na ang cellphone ko. Tinuloy ko ang pagtulog ko at hindi nagtagal, alas-singko na. Kelangan ko ng bumangon dahil marami na namang trabaho ang nakaabang sa kin. Sana lang hindi malasin ang linggo ko dahil sa isang walang kwentang tawag sa cellphone.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
PAUMANHIN

Sa mga nagbabasa, paumanhin po sa mga hindi kaaya-ayang pananalitang nailathala dito. Ito po ay tunay na pangyayari na bunga lamang ng emosyon ng pagkagalit.




No comments: