Sunday, November 25, 2007

Beyonce Experience

2nd week pa lang ng September, nag-plano na kong manood ng concert ni Beyonce. Andyang nagtanong na ko sa mga kaibigan ko kung sino sa kanila ang gustong manood with me. Kaya lang, dahil 2 buwan pa bago ang concert, wala akong nakuhang confirmation mula sa kahit kanino sa kanila.

Eto na, 2 weeks before the concert, I asked Tabel kung gusto nyang manood. Sabi nya, gusto nyang manood kaya lang malungkot naman kung kaming 2 lang. Agree naman ako sa sinabi nya... mas masaya kung marami. Haayyy, kung andito lang sana sina Augs at Don, at kung may panlibre lang kami ke Niks, wala sanang naging problema :( So, paunti-unti kong tinanggap ang masaklap na katotohanan na hindi ko mapapanood ang concert ni idol Beyonce.

November 7, ang pinakaaabangang araw ng konsyerto ni Beyonce. Pagpasok ko ng opisina, agad kong nilagay sa ym status ko ang panghihinayang na hindi ako makakanood. Nakatanggap ako ng ym message kay tabel at nag-aayang manood ang loka. Ang akala ko nung una, nagbibiro lang sya. Pero 'nak ng tokwa, matapos ang masinsinang pag-uusap, ayun... sa bilis ng mga pangyayari, bago mag-tanghalian ay nakabili na sya ng 2 tiket para mamaya!!! Hehehehehe.... pina-ride muna ako ni tabel sa card nya... at nakakuha pa kami ng 10% discount dahil sa pagiging globe subscribers plus ang ganda pa ng seats na nakuha namin... bwehehehehehee!!!!

Sa madaling salita, NAKAPANOOD KAMI NG CONCERT NI BEYONCE!!!!! WOOOOHOOOOO!!!! :)

sa car ni tabel, before the concert :)





kapagod ang concert pero sulit!


ang ebidensya ;)

No comments: