Mag-a-apat na buwan na ako rito. Mag-a-apat na buwan ng nilalabanan ang lungkot. Lungkot na malayo sa pamilya, mga kaibigan at sa buhay na nakagisnan. Unti-unti, tinuturuan ko ang aking sarili na labanan ito. Subalit ang hirap, napakahirap. Paano pa kaya ang makaranas ng isang matinding pagsubok sa buhay na hindi ko alam kung saan huhugot ng tibay ng loob para harapin? Isang pangyayari na alam kong darating kaya naman aking pinaghandaan. Subalit, isang malaking pagkakamali ng inakala kong kakayanin ko sa oras na dumating. Isang pangyayari na hindi ko magawang ibahagi ng basta-basta lamang sa mga tao at magbakasakali na makapagbigay sila ng sagot. Isang bagay na patuloy kong sinasarili dahil alam kong hindi maiintindihan ng iba. Ang hirap itago ng tunay na nararamdaman, ang magpanggap na mabuti ang kalagayan sa tuwing nangungumusta ang pamilya. Ayaw kong ipaaalam sa kanila ang tunay kong saloobin dahil ayaw ko silang mag-alala pa. Sa mga panahon na tulad nito, sana kasama ko ang aking mga kaibigan. Maaaring wala silang maibibigay na tiyak na kasagutan sa aking isang-libo at isang katanungan, subalit nakasisigurado ako na lagi silang nariyan upang ako ay damayan... makinig sa mga walang kwenta kong paghihimutok... ialok ang kanilang balikat kung kailangan ko ng iiyakan... at pagalitan ako..bulyawan... ipamukha sa akin kung gaano ako kat*n*ga... at pagkatapos nun... yayakapin nila ako at bubulungan... "kaya mo 'yan, kendz... ikaw pa!"
Oo nga naman, ako pa. Matalino, matapang...malakas ang loob..yan ang pagkakilala ng iba sa akin.. Hindi pa nila nakikita ang mga kahinaan ko... lalo na kung hindi utak ang pinaiiral.
Habang sinusulat ko ito, parang sasabog na ang dibdib ko... nangingilid na ang luha sa aking mga mata, nanginginig ang mga daliri. Pagod na kong mag-isip, pagod na kong magpanggap. Gusto ko na lamang magkulong sa aking silid... umiyak hanggang sa maubos na ang luha... At sana, dumating ang araw na magising ako at ang lahat ng ito'y isang masamang panaginip lamang.
13 comments:
"kaya mo yan,Kendz...ikaw pa!"
ako nga nakayanan ko...kayang-kaya mo yan!
nandito lang ako...kasi di pa kita pwedeng puntahan dyan ngayon hehehehe :)
more to come Kendz para lalong lumakas!
see yah soon :)
luv,
Nikks
thanks, niks! sana talaga nandito kayo... punta na kayo dito.. :(
kaya mo yan christiane! hehehe kaw pa!
o ayan... nadagdagan pa ha. :p
magkikita na tayo at maririnig mo na yan ng personal. :p
u can DOH it!
Star Drama presents....Candy.
JOKE.
Tama na yan. Bili kita lobo pagbalik mo.
Pag malungkot...ang noo ay kukunot
Pag masaya...ang noo ay...ay...ay...
ayayay...di ko alam...patag? Ang noo ay patag?
Mars, hang on der because you heb a hanger...kulay pink pa...loneliness is jaz a moment in time.
Laughingly yours,
Pareng Tinoy :D
kapag malungkot, ang noo ay kukunot
kapag masaya, ang noo ay...ay...ay
ayayay...ang noo ay malaya?
mars, don't be sad der because you are lonely. jaz look around and see, a poem as lovely as a tree...ok
laughingly yours,
pareng Tinoy
haaayyy... salamat... salamat... maraming salamat sa pagpaparamdam ninyo... kailangang-kailangan ko yan ngayon...
Christabel, hindi ka na nag-uupdate ng blog ah... sana nga makayanan ko 'to...
Mareng Uleb, asahan ko yung lobo ha.. :)
Pareng Tinoy, wala ka pa ring kupas... dami ka pa ring hirit.. hehehe..
KKK -- Kayang-kaya mo yan Kends!
Miss ka na namin :D
lola kendz! andito lang ako, laging handang tumulong sayo. hehehe. pamilyar ba? lagi naman akong online, buzz lang kahit busy. ;)
miss you lola. kaya mo yan. pestehin mo na lang si lola meann. labs u! :*
thank you, lola pheng! *hugs* napeste ko na si lola mean...hehehe.. nagkapestehan na kami :)) miss u..miss u... labs u labs u.... *hugs and kisses*
mare... lalaki lang yan! marami namang pana dyan sa sg eh... sila na lang muna... nyahaha!!! =P
as i said, and i'll say again, they may come and go, but each other we have forever. mwah! mwah!... ayan, 2 kisses na yan... isang drama pa, may tama kna! =))
hehehehe.... salamat mare... hopefully one of these days maging ok na rin ako...
belle, sorry for this super uber late reply... na-overlook ko.. and kahit late, i don't want to miss this chance to say thank you! from the bottom of my recently-healed heart hehehe....
Post a Comment