Monday, June 19, 2006

Game 1 to Red Bull

I don't usually watch a live PBA series-opener, semis or finals. But yesterday was different. Actually, I bought my tickets last Saturday morning pa. Maybe, I got too excited to see my fave team playing again after almost a month of rest. Or maybe, nadala na rin ako sa kahihintay ng game 4(dito ako nag-s-start manood ng live e). Last year kasi, in the middle of the series, nag-change ng venue ang PBA from the Big Dome to Cuneta Astrodome. Eh, hindi ako nanunuod unless sa Araneta ang venue.

Anywys, yesterday I was excited, pero parang wala ako sa mood. While waiting for a bus along Edsa-Balintawak going to Cubao, isang pulubi (na medyo me toyo rin 'ata) ang nagtanong sa kin ng oras. Sabi ko, alas-tres y media. Tiningnan nya ung relo sa may bakery sa likod ko at sabi ba naman "Bakit dun alas-tres kinse pa lang, adbans yang relos mo." with matching titig pa sa kin na parang sinasabing bakit ko sya niloloko sa oras. Yes, natakot ako dahil akala ko kung anong gagawin, nakatitig sa kin eh. Kung wala lang sayad 'un, pinatulan ko na yun kaso nga me topak, hindi ko alam kung anong kayang gawin nun. Kasama ko pa ang nanay ko na nerbyosa kaya sinabi ko na lang "adbans 'tong relos ko, oo na.. oo na.." sabay layo. At kapag inaalat ka nga naman, hindi lang miminsan dadaan ang malas sa 'yo. Still, naghihintay pa rin kami ng bus, e inaayos ko ung shirt ko sa likod kaya medyo nakausli ang siko ko. Abah, isang nagmamagandang babae ang tinabig ang siko ko, ni walang excuse, para dumaan. Umakyat na naman ang dugo sa ulo ko. Eh, fresh pa sa akin ung nangyari sa MRT kaya nag-inhale-exhale na lang ako. Eto pa, andyan na ang bus, huminto sa harap ko. Abah, siningitan ang nanay ko sa pagpanhik. Pucha!!! Isa pang inhale at exhale, ayaw ko talagang makipag-away pag kasama ko ang nanay ko dahil ayaw ko syang madamay. So, timpi pa candy, timpi. Isipin mo na lang na me dalang bata ung babae at hindi magandang halimbawa na makitang me nag-aaway. Whew!

Dito palang, na-feel ko ng hindi magiging maganda ang araw ko. At hindi nga ako nagkamali, natalo ang SMB 89-78 :(. Injured si Danny I, malas si Dondon H., sama mo pa si Olsen R. Though, maganda ang laro nina Dorian P. at Danny S., not enough to win the game.

Pansin ko rin na nagbago ng strategy si Coach Jong, babad si Wesley G. at point guard pa!!! So far, not as effective as Olsen, but can't blame him. Sana lang makabalik na si Danny I and bumalik sa dati ang laro nila, specially, the 4D's and Olsen.

“You cannot control what happens to you, but you can control your attitude toward what happens to you, and in that, you will be mastering change rather than allowing it to master you.” ~ Brian Tracy

No comments: