Tuesday, June 13, 2006

SM Mall of Asia - My First Visit

Had a semi-gimik last Friday with Don, Niks, Tabel, Earl, Ning and Beng. Semi kasi nag-magic sing lang naman kami sa office then had a dinner at North Park (minus Earl and Ning). It feels good to sing with your buddies, unlike na mag-isa lang ako sa bahay na kina-career ang pagkanta :P. Had to go early kasi, as usual, me lakad ako bukas with my mudra. Punta kami ng Mall of Asia.

Pag namamasyal kami ng nanay ko, lagi kaming umaga umaalis. Never kaming umaalis ng tanghali o hapon para lang mamasyal. Feeling kasi namin, wala na kaming energy pag tinanghali na kami. Kaya ayun, umalis kami ng bahay around 9am (Saturday) and nakarating kami ng MOA at exactly 10:30am. Jeep-FX-MRT-Shuttle, 'yan ang routine namin papuntang MOA.

First stop: Department Store. Hehehehehe... e dun kasi ang terminal ng shuttle e kaya 'yun muna ang inuna namin. In fairness, iba ang lamig sa loob halatang bago :P. We went to the Children's Section first to look for some toys na pangregalo. Kaso, walang mapili or should I say, walang mapili na maganda at mura... hehehehe... kaya sabi ko sa nanay ko, bigyan na lang nya ng pera. So ayun, exit na kami ng DS.

Here are some of my observations: 1) Lahat ng wash rooms na napasukan ko, may mga tissue. Abah! ang sosy. Hanggang kelan kaya tatagal to? hehehehe... to think na hindi naman lahat ng nandun e namimili; 2) Ang daming guards, naka-white barong sila and very friendly, huh! Keep it up; 3) Seaside. Kaya pala hindi airconditioned ung half ng mall kasi overlooking ang manila bay. Lakas ng hangin, sobra! Sarap ngang matulog e :P. Sayang hindi ko nadala ung camera ko sana nag-piktyuran kaming mag-ina sa may seaside. Hehehehe... ; 4) Marami pang stores na hindi bukas; 5) Kung tutuusin, mas mahaba ang Megamall kesa sa MOA. Mas malaki lang talaga ang land area ng MOA, malawak kasi sya eh (kasama parking at ung seaside).

Anywyz, we had our lunch at Aristocrat. Chicken BBQ, Pork BBQ at pancit canton. Me natirang isang pirasong chicken saka pancit canton kaya, take-out na lang :). Then, lakad-lakad... I bought Superman III and IV vcds from AstroPlus. Sayang wala na silang X-MEN 2. At the 2nd floor, one store caught my attention: KULTURANG FILIPINO. At first, I thought puro handicrafts lang yung items hindi pala... me section dun na may mga shirts na ang design e, syempre, about kulturang Filipino obvious ba? hehehehehe... I bought 3 shirts, one for my tatay
since malapit na rin naman ang Father's Day(with a Philippine Eagle print) and two for me. I am already wearing the black one, cool shirt!

Promise, babalik ako dito. ;)



No comments: